-- Advertisements --

Patay ang nasa 93 katao matapos ang naganap na malawakang landslide sa Kerala, India.

Pinangangambahang marami pa ang pinaniniwalaang naipit sa landslide dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Nahirapan ang mga rescuers dahil sa pag-ulan para tuluyang iligtas ang mga biktima sa bulubunduking bahagi sa Wayanad district.

Ipinakalat na ang mahigit 200 na sundalo para tumulong sa rescue operations.

Tumama rin ang ilang landslides sa ilang bahagi ng Mundakkai, Attamala, Chooralmala at Kunhome.