-- Advertisements --
Mahigit 59 million o 93 percent na ng mga balota na kakailanganin para sa halalan sa darating na Mayo ang natapos nang maimprenta.
Sa isang press briefing, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 59, 298, 986 balota na ang nailimbag hanggang noong Abril 7, 2019.
Ang natitirang balota na kailangan na maimprenta raw sa ngayon ay para sa National Capital Region.
Ang printing ng natitirang 4,363, 495 balota ay inaasahang makompleto ngayong linggo.
Pebrero 9, 2019 nang magsimula ang printing ng mga balota.
Naunang itinakda ang pagsisimula sana nito noong Enero 22 pero naurong dahil sa delay na nangyari sa releases ng pinal na listahan ng mga kandidato.