-- Advertisements --

Nasa 93 katao na ang nasawi matapos ang ginawang airstrike ng Israel sa bayan ng Beit Lahia sa northern Gaza.

Ayon health ministry ng Gaza, tinamaan ang limang palapag na gusali kung saan nandoon ang karamihang mga biktima.

Mula pa kasi noong dalawang linggo ay patuloy ang ginagawang operasyon ng Israel Defense Forces (IDF) sa mga lugar ng Jabalia, Beit Lahia at Beit Hanoun sa northern Gaza.

Paliwanag ng Israel na ang kanilang ginagawan operasyon sa northern Gaza ay para pigilan ang mga Hamas na mag-regroup matapos ang pagbubuwag sa kanila.