-- Advertisements --

Pumalo na sa 94 katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng cyclone Chido sa Mozambique.

Ayon sa National Institute of Risk and Disaster Management (INGD) na mayroong 768 na iba pa ang sugatan at mahigit 622,000 ang apektado ng nasabing bagyo.

Mayroong taglay na lakas ng hangin ang bagyo na aabot sa 260 kilometer per hour na nagdulot ng ilang araw na pag-ulan.

Ang bagyo ay unang nanalasa sa Mayotte sa France na nag-iwan din ng matinding pinsala.