Iniulat ngayon ni Bohol Governor Arthur Yap na nakapag-report na rin ang lahat ng 48 mga local government units (LGUs) sa kanilang lalawigan.
Sa ngayon batay sa opisyal report na inilabas sa pamamagitan ng kanyang FB account, nasa 94 na ang patay na iniwan ng bagyong Odette habang pahirapan pa rin ang pagbabalik ng kumunikasyon.
Sa kabila nito, meron pang 18 nawawala na mga residente habang umaabot na sa 96 ang napaulat na sugatan.
Binigyang diin naman ng tanggapan ng gobernador na ang naturang mga datos ay partial report pa lamang.
Sa 48 mga LGUS sa Bohol ang pinakamaraming may namatay ay sa bayan ng Ubay na umaabot sa 13, sinusundan ito ng bayan ng Talibon na may walong namatay, pito ang casualties sa Bien Unido, habang ang Loon at San Miguel towns ay merong tig-anim na nasawi na mga residente.
Noong kasagsayan ng bagyo ang may pinakamaraming evacuees ay ang bayan ng President Carlos P. Garcia na umabot sa mahigit 9,000 kung saan lima rin sa nasabing bayan ang nasawi.
Sa kabuuan halos 29,000 na mga residente ang isinailalim sa evacuation.