-- Advertisements --

Hindi umano magdidiwang ng kanyang ika-94 kaarawan si Queen Elizabeth II dahil sa coronavirus pandemic.

Paliwanag ng isang opisyal sa Buckingham Palace, nagpasya raw ang reyna na huwag munang ipagdiwang ang kanyang kaarawan dahil hindi akma sa panahon ngayon.

Maging ang tradisyunal na gun salute upang markahan ang okasyon ay pinakansela rin ng monarch.

Sinasabing ito ang unang pagkakataon sa kanyang 68-taong pamumuno na hindi idaraos ang nasabing seremonya, na karaniwang ginagawa sa Hyde Park at sa Tower of London.

Maging ang Trooping the Color parade sa Hunyo para markahan ang opisyal na petsa ng kapanganakan ng reyna ay kinansela na rin.

Ang nasabing anunsyo ay lumabas matapos magpatupad ng restriksyon ang UK government kung saan nakasaad na dapat ay manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga tao. (BBC)