-- Advertisements --

(Update) Tinanghal na Best Picture sa katatapos na 94th Oscar Awards sa Los Angeles ang comedy-drama film na CODA (Child of Deaf Adults).

Ngunit bago pa man igawad ang nasabing top prize, naging pigil-hininga ang seremonya kung saan umagaw sa atensyon ng audience ang eksena sa pagitan ng American actor na si Will Smith at comedian host na si Chris Rock.

Will Smith and wife

Award presenter kasi si Rock para sa documentary feature kung saan humirit ito na pwede raw pala si Jada Smith na gumanap sa war drama na “G.I Jane” kung saan ang bida ay kalbo rin. Dito na biglang tumayo si Smith at sinapak si Rock sabay sigaw na tantanan ang kanyang misis.

Matapos nito ay umusad pa rin naman ang programa kung saan kinilala bilang Best Actor si Will Smith para sa sports drama film na “King Richard.”

Kabilang pa sa major award ang Best Actress para kay Jessica Chastain sa kanyang pagganap sa “The Eyes of Tammy Faye,” at Best Director
para sa may pinakamaraming nominasyon na “The Power of the Dog.”

Gayunman, itinuturing na big winner ang American Science-fiction movie na “Dune” matapos humakot ng anim mula sa 10 nominasyon nito kabilang ang Best Cinematography, Best Original Score, Best Production Design, Best Visual Effects, Best Sound, at Best Film Editing.

Ang iba pang early winners ay ang Best Supporting Actress para sa bumida sa “West Side Story,” habang Best Supporting Actor si Troy Kotsur, at “Encanto” bilang Best Animated Feature Film.

Tulad ng naiulat na matapos ang tatlong taon na walang host sa nasabing prestihiyosong awards ceremony, bumandera kanina ang trio comic actors na sina Amy Schumer, Regina Hall at Wanda Sykes.

Kabilang naman sa mga nagbigay kulay bilang performer ay ang American pop diva na si Beyonce, American country music singer na si Reba McEntire, Billie Eilish and Finneas, at Colombian singer na si Sebastián Yatra.

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi:

Best Picture
“CODA”

Best Director
Jane Campion – “The Power of the Dog”

Best Actress
Jessica Chastain, “The Eyes of Tammy Faye”

Best Actor
Will Smith, “King Richard”

“Dune”
Best Cinematography
Best Original Score
Best Production Design
Best Visual Effects
Best Sound
Best Film Editing

Best Supporting Actress
Ariana DeBose, “West Side Story”

Best Supporting Actor
Troy Kotsur, “CODA”

Best Animated Feature Film.
“Encanto”

Best Makeup and Hairstyling
“The Eyes of Tammy Faye”

Best Animated Short Film
“The Windshield Wiper”

Best Live Action Short Film
“The Long Goodbye”

Best Documentary Short Subject
“The Queen of Basketball”

Best International Feature Film
“Drive My Car”

Best Costume Design
“Cruella”

Best Adapted Screenplay
“CODA”

Best Original Screenplay
“Belfast”

Best Documentary Feature
“Summer of Soul (Or, When The Revolution Could Not Be Televised)”

Noong nakaraang taon, ang American drama film na Nomadland ang big winner sa Oscar Awards matapos humakot ng major awards bukod pa sa pagiging Best Picture.

Kasagsagan pa noon ng global pandemic kaya idinaos ito sa Union station sa Downtown Los Angeles na may 170 limitadong bisita lamang. (GMAmerica/USAToday)