Inaprubahan na ng US senate ang $95 bilyon na aid packages para sa mga bansang Ukraine, Israel at Taiwan.
Ang nasabing pagpasa ay kasunod ng ilang buwang pagkakabinbin dahil sa mga naganap na pamumulitika.
Pinaburan ng Democrats ang nasabing pagpasa ng panukalang batas habang ang mga Republicans ay hiwalay sa desisyon at noong nakaraan ay kanilang ibinasura pa ang pondo.
Mayroong 70 ang pumabor sa panukala at 29 namang hindi at matapos ang ilang diskusyon ay sumama na rin ang 22 Republicans kabilang na si Senate Minority Leader Mitch McConnell.
Ang nasabing package ay binubuo ng $60 bilyon para sa Ukraine, $14 bilyon para sa Israel para paglaban sa Hamas at $10 bilyon para sa humanitarian aid sa mga llugar kung saan nagkakaroon ng kaguluhan kasama na ang Gaza.
Kasama rin sa nasabing panukala ang mahigit $4 bilyon na pondo para sa Indo-Pacific allies.
Ipapasakamay na ang panukala sa House at nasa kamay na ng mga US Congress kung kanila agad ito ipapasa.