-- Advertisements --

Patay ang nasa 95 katao sa Valencia, Spain matapos ang malawakang pagbaha dulot ng naranasang bagyo.

Batay sa ulat ng Spanish emergency officials, aabot sa 2,000-katao ang kasalukuyang na-trap sa kani-kanilang mga tahanan kasunod pa rin ng pag-ragasa ng malakas na tubig sa lugar.

Nag-deploy naman ang Military Emergencies Unit ng 1,000 sundalo para sa pagtulong sa mga na-trap sa lugar.

Tatlong rehiyon din sa Spain ang patuloy na nananatiling nasa red alert kasama ang Andalucia at Valencia ayon sa local meteorological agency doon.

Batay pa sa mga ulat, kasalukuyang naghihintay ng tulong ang nasa 650 kataong na-trap sa loob ng isang shopping center matapos maabutan ng malakas na pagbaha.

Ito na ang tinatayang pinaka-malalang pagbaha na naranasan ng naturang bansa matapos ang 100 taon. Nagbabala naman ang gobyerno ng Spain na maaari pa itong maulit dahil sa iba pang paparating na malalakas na bagyo sa bansa.