-- Advertisements --

Aabot sa 95 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng 7.1 magnitude na lindol sa Tibet.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS) na may lalim na 10 kilometers ang lindol na sinundan pa ng malakas na mga aftershocks.

Dinala naman sa pagamutan ang nasa 130 katao matapos na magtamo ng sugat.

Tinamaan rin ng lindol ang paanan ng Himalayas at mahigit na 1,000 mga gusali ang nasira.

Patuloy ang ginagawang rescue ng mga otoridad para mailigtas ang ilang mga survivors.

Palagiang tinatamaan ng lindol ang lugar dahil sa ito ay matatagpuan sa major geological fault.