-- Advertisements --
SEC team
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials

GENERAL SANTOS CITY – Tinatayang nasa 95% ng mga empleyado ng GenSan City Hall ang apektado sa pagpapasara at pagpapatigil ng operasyon ng Kapa Community Ministry International Inc.

Ito mismo ang sinabi ni Mayor Ronnel Rivera sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.

Ayon sa kanya, may binuong technical working group na pinamumunuan ni Vicky Magante, department head ng City Social Welfare and Development Office, para magbigay ng tulong sa mga nabiktima ng KAPA sa pamamagitan ng ibibigay na counselling at iba pa.

Aniya, naiintindihan nito na nasa “in denial stage” pa ang mga miyembro ng grupo subalit umaasa ang alkalde na hindi magtatagal ay lilitaw ang mas marami pang maghahain ng reklamo sa mga otoridad laban sa KAPA.

KAPA KABUS OFFICES GENSAN AND SARANGANI 4
KAPA offices closed down by NBI, PNP and SEC

Gayunman, ang gusto raw mangyari ni Rivera na maibalik sa mga investors ang kanilang pinaghirapang pera kahit na noong una pa ay hindi sila nagkulang sa pagpapaalala na huwag sumubok sa nasabing investment scheme.

Samantala, patuloy namang tinutunton umano ng mga personahe ng National Bureau of Investigation (NBI)-Sarangani District Office ang kinaroroonan ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario na nasa halos dalawang linggo na rin ang pagtatago nito.

Note: Pls click above audio statement of GenSan City Mayor Ronnel Rivera

Una nang iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tauhan ng NBI at PNP-CIDG ang crackdown sa mga tanggapan ng KAPA o Kabus Padatoon dahil sa pagiging Ponzi o pyramiding scam nito.

KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Tinawag pa ng Presidente na “continuing crime” ang ginagawa ng KAPA.

Kung maaalala ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay naghain na rin ng reklamo laban kay Apolinario at mga incorporators ng KAPA.

Ilang ding mga miyembro ang dumulog sa NBI upang maghain din ng reklamo.

Maging ang AMLC ay kumilos na rin mula sa hiling ng SEC upang ilagay sa freeze order ang mga assets at ilang luxury vehicles ng KAPA ministry international.