Nasa 95 katao na umano ang namatay dahil sa monsoon flooding sa southern at western India.
Batay sa ulat, mahigit sa 40 sa nasabing bilang ay nagmula sa estado ng Kerala.
Maliban dito, libu-libong mga mamamayan din ang pansamantalang inilikas sa kanilang mga tahanan.
Naging isolated din ang ilang mga area dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa bunga ng malakas na pag-ulan.
Ayon sa disaster management officials, mahigit 100,000 katao sa Kerala ang puwersahan munang pinalikas patungo sa mga emergency relief camps.
“There are around 80 places where flood and rains have triggered mudslides, which we cannot reach,” wika ni state police spokesman Pramod Kumar.
Susubukan din ng militar na i-airlift ang pagkain sa mga stranded na lugar lalo pa’t magpapatuloy ang buhos ng ulan sa mga susunod na araw.
Noong nakalipas na taon, mahigit 200 katao ang namatay sa Kerala bunsod ng sinasabing pinakamalalang pagbaha sa lugar sa loob ng isang siglo. (BBC)