BUTUAN CITY – Aminado ang Department of Health (DOH)-Caraga na dahil sa nakapasok ng mga variants of concern ang tumataas na bilang ng mga nagpositibo at namamatay dahil sa COVID-19 nitong rehiyon.
Sa eksklusibong panayamng Bombo Radyo Butuan, kinumpirma ni Dr. Dioharra Appari, ang head ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH-Caraga, mula noong sinimulan ang vaccination campaign ng rehiyon, 94 percent sa mga namamatay ay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Karamihan sa mga ito ay mga senior citizens, mga hindi vaccinated na nasa age bracket na 61 hanggang 70-anyos.
Samantala sa mga fully vaccinated naman, apat na porsiyento lang sa kanila ang namatay o aabot sa 34 mga indibidwal habang dalawang porsiento naman sa mga naka-first dose lang o 21 mga indibidwal.
Sa ngayo’y patuloy ang pagsisikap ng tatlong mga laboratoryo nitong rehiyon na ma-detect ang lahat ng isinumite sa kanilang specimen samples sa mga suspected COVID-19 na mga indibidwal.
Dagdag pa ni Dr. Appari, pinakamaraming kaso ang na-detect sa Agusan del Sur dahil sa dalawang mga makina na nasa Do Plaza Memorial and Medical Hospital na 24 oras na mag-o-operate maliban pa sa isinagawa nilang mass testing.
Habang ang lahat naman ng mga local government units (LGUs) ay aktibo sa kanilang ginawang contact tracing sa mga first hanggang third generation contacts.