Nakapag-sumite na ang nasa 953 senior officers ng Philippine National Police (PNP) ng kanilang courtesy resignation.
Ito ay bilang tugon sa nauna ng panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos sa mga generals at full colonels ng pambansang pulisya na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng kampaniya ng gobyerno na malinis ang hanay ng pulisya mula sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, inaasahang madadagdagan pa ang magsusumite ng courtesy resignation karamihan ay mula sa Visayas at Mindanao.
Saad pa ng PNP officer na aantayin ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng magbibigay ng kanilang courtesy regisnation hanggang sa katapusan ng Enero.
Ayon naman sa PNP chief, dadaan pa sa lifestyle check ang mga nagsumite ng kanilang courtesy resignation na bahagi ng efforts ng 5-man committee na siyang sasala sa mga isinimuteng courtesy resignation at gagawa ng rekomendasyon sa Pangulo.
Una rito, nitong Biyernes, iniulat ni Abalos na nasa 904 generals at full colonels ng PNP ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.