-- Advertisements --

Naging simple lamang ang ginawang pagdiriwang ng kaniyang ika-95 na kaarawan ni Queen Elizabeth II.

Kung darati ay magarbo kada taon ang kaarawan ito ay ginawa na lamang nila itong simple dahil sa COVID-19 pandemic at ang pagpanaw ng asawa nito ng si Prince Philip.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan nito ang mga tao sa buong mundo na nagpapaabot ng kanilang pakikiramay at pagdarasal sa pumanaw na asawa.

Maguguntiang pumanaw si Prince Philip ang Duke of Edinburgh noong Abril 9.