Naniniwala si House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na ang naitalang 96.5 percent employment rate for February 2024 ay indikasyon ng matibay na palatandaan ng isang pinagsama-samang jobs market.
Sinabi ng ekonomistang mambabatas, ang tops jobs growing sectors ay maituturing na matatag na sektor gaya ng craft at related trade workers at plant and machine operators.
Gayunpaman, nagkaroon din ng pagbaba sa mga less durable sectors gaya ng skilled agricultural workers at elementary occupations.
Dagdag pa ni Salceda, naaayon din ito sa Business Outlook Index noong nakaraang taon na sa pangkalahatan ay nagpakita ng mataas na kumpiyansa sa negosyo sa sektor ng pagmimina, konstruksiyon, at enerhiya, kumpara sa agrikultura at retail na kalakalan.
Diin pa ng House tax chief, ang pagsasama-sama ng trabahong ito ay resulta sa pinabuting sentimyento sa negosyo sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Inihayag din ni Salceda, ang paglago sa mga trabaho sa pagmamanupaktura ay isang magandang senyales para sa Pilipinas sa gitna ng pandaigdigang pag-usad, ang pagbagal ng paglago ng China, patuloy na mataas na rate ng interes ng US Fed, mataas na gastos sa pagkain, at isang pabagu-bago ng pandaigdigang supply chain.
Paliwanag pa ng Kongresista, ang pagpapabuti ng kalidad ng trabaho ang pangunahing priyoridad at ang kasalukuyang sahod ay kung gaano kalayo ang maaaring maabot nito para ipambili ng bigas.
Sinabi ni Salceda, ang bigas ay umabot sa 20.4 porsyento ng mga gastos ng mga manggagawang mababa ang kita; nagdulot din ito ng 57 porsiyento ng pagtaas ng presyo noong Marso 2024.
Sa kasalukuyan, ang kakayahan ng bansa na lumikha ng mas maraming trabaho sa mga di-mahahalagang sektor ay nababawasan ng rice inflation na umuubos ng disposable income.
Sa kasalukuyan, ang administrasyong Marcos ay patuloy na naghahanap ng mga solusyon na magpapaiba-iba sa pinagkukunan ng bigas, tumutugon sa mapanganib na posisyon bilang pinakamalaking importer ng bigas sa mundo, at magtiis sa epekto ng El Nino.
Ang mas murang bigas ay nangangahulugan ng mas maraming trabaho.