Sumampa na sa 213,647 o 96% police personnel mula sa kabuuang 222,692 pwersa ng Pambansang Pulisya ang nabakunahan na ng Covid-19 vaccine as of September 23, 2021.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP Administrative Support to Covid-19 (ASCOTF).
Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOFT Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, sa ngayon nasa 147,097 o 66.05% na ang fully vaccinated habang nasa 66,550 o 29.88% ang nabakunahan ng first dose.
Sinabi ni Vera Cruz, nasa 9,045 o 4.0% sa kanilang mga tauhan ang ayaw pa rin magpabakuna kung saan 1,395 dito ay may mga valid na dahilan habang ang 7,650 naman ay sadyang ayaw talagang magpa bakuna.
Una ng sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi nila pinupwersa ang kanilang mga tauhan na magpa turok ng Covid-19 vaccine.
Gayunpaman patuloy nilang hinihikayat ang mga ito na magpa bakuna ng sa gayon magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus, lalo at nananatili pa rin ang banta ng Delta variant.
Sa ngayon, nasa kabuuang 326,439 doses na ng Covid-19 vaccine ang na-administered sa PNP sa buong bansa.
” Sa panahon ng pananalanta ng Delta Variant sa ating bansa, malaking bagay sa ating mga kapulisan ang pagiging fully vaccinated upang maipatupad namin ang aming mga tungkulin ng walang anumang pasubali at pag-aalala,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Sa kabilang dako, ayon naman kay Lt.Gen.Vera Cruz, ang mga brand ng Covid-19 vaccine na itinurok sa mga kapulisan ay Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Pfizer, Moderna, Janssen at Sinopharm.
Batay sa datos ng PNP ASCOTF ang mga fully vaccinated ng Sinovac vaccine ay nasa 70,970 na ngayon; AstraZeneca- 29,854; Sputnik V -1,831; Pfizer-7,111; Moderna-3,003; Janssen- 34,314; Sinopharm – 65.
Ang mga nakatanggap ng first dose sa Sinovac vaccine ay nasa 15,266; AstraZeneca – 35,040; Sputnik V-12,104; Pfizer-1,748; Moderna- 2,288; Sinopharm – 73.
Kahapon sinimulan na ng PNP Health Service ang pagbabakuna ng second dose ng Russian made Sputnik V vaccine sa mga personnel sa Camp Crame matapos mabigyan sila ng 9,900 allocation ng National Vaccine Operation Center (NVOC).