-- Advertisements --
image 19

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nasa 962 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay mas mataas kumpara sa 864 tonnes na naitala kahapon.

Sa latest bulletin ng ahensiya, nasa kabuuang 295 rockfall events, 3 volcanic earthquakes, 2 dome-collapse pyroclastic density current events at 2 pagguho ng lava ang naitala din sa bulkan.

Napakabagal na pag-agos naman ng lava mula sa bunganga ang naobserbahan sa may Mi-isi gully na umabot ng hanggang 2.7 kilometers at sa may Bonga gully na umabot ng hanggang 1.3 meters.

Naobserbahan din ang pagguho ng lava sa parehong gulllies na umabot sa 3.3 kilometers.

Kayat patuloy ang paalala ng ahensiya na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa abo mula sa biglaang pagsabog na mapanganib para sa aircraft.

Samantala, sa datos ng NDRRMC nitong linggo, nasa kabuuang 41,517 katao o 10,652 pamilya sa 26 barangay sa Bicol ang apektado ng mga aktibidad ng bulkan.

Sa mga apektadong residente, nasa 18,751 indibidwal o 5,365 pamilya ang nananatili pa rin sa 28 evacuation centers habang nasa 1,427 katao naman ang nanunuluyan pansamantala sa ibang lugar na malayo sa bulkan.

Sa kasalukuyan nasa kabuuang P130,571,728 ang halaga ng tulong na naibigay sa mga residenteng apektado ng pagalburuto ng bulkan.