-- Advertisements --

All set na ang distribusyon ng kapangyarihan ng mga senador para sa 18th Congress dahil sa 97.5% na ang naayos sa committee chairmanships.

Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na tanging 2.5% na lamang ang kanilang inaayos at kanilang reresolbahin sa isasagawang caucus sa Lunes, July 22 matapos ang pagbubukas ng 18th Congress bago sila magtungo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunita na nagkaroon ng agawan sa chairmanship sa committee on education sa pagitan nila Sen. Pia Cayetano na nais hawakan ang komite, sa kabila na una nang nagkasundo ang majority members sa tahanan ni Sen. Manny Pacquiao na hatiin sa dalawa ang chairmanship nito na mapupunta kina Sen. Joel Villanueva at Sen. Win Gatchalian.

Napunta kay Gatchalian ang chairmanship ng basic education at kay Villanueva ang technical and higher education.

Hindi naman nabanggit ni Sotto kung ang committee on education ang kasama sa 2.5% na hindi pa naaayos ng Senado.