-- Advertisements --

Nasa 97 porsyento na ng mga health workers sa Metro Manila ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na mayroon na ring 85 percent sa mga health workers sa buong bansa ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine.

Karamihan sa mga 15 porsyent na natitira ay yung mga nasa probinsiya at sila aniya ay mga nagdadalawan isip sa pagpapaturok ng bakuna.

Sinabi pa ni Cabotaje na dapat kumbinsihin ng mga nasa rural health workers ang mga barangay health workers na magpaturok na rin ng bakuna.