-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Mr. Marcel Tabije, ang head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office dito sa Ilocos Norte na aabot na sa 97 na pamilya o 362 na indibidual nga inilikas dahil parin sa nararanasang pag-ulan at malakas na hangin na dala ng Bagyong Egay.

Ayon kay Tabije, noon pang Biyernes ay sinabihan na nila ang mga Local government units na maghanda sa epekto ng bagyo.

Sa bayan naman ng Bagui ay isinailalim sa preemptive evacuation ang siyam na pamilya, 18 naman sa bayan ng Badoc at walong pamilya o 20 na indibidual sa lungsod ng Batac.

Maliban dito, halos lahat naman ng mga bayan at lungsod dito sa Ilocos Norte ay nawalan ng suplay ng kuryente.

Sinabi nito na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 3,000 a relief packs na naka-preposition sa mga iba’t-ibang bayan sa lalawigan gaya ng Pagudpud, Pasuquin, Banna, Solsona, Currimao at sa lungsod ng Batac na puwedeng ipamigay sa mga maapektuhan.

Kung kukulangin naman aniya ang mga relief packs ay mayroon pang puwedeng kuhanin mula naman sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Hinggil dito, sinabi naman ni Police Col. Julius Suriben, ti Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office na bagi pa tumama ang bagyo sa lalawigan ay may direktiba na si Gov. Matthew Marcos Manotoc na maghanda kaya’t nakipag-ugnayan sila Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Agad namang naghanda ang kasapi ng Search and Rescue teams kabilang na ang mga equipment.

Sa ngayon ay nararanasan pa rin ang malakas na ulan ay angin dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.