Naghain na ng courtesy resignation ang mahigit sa 97% o kabuuhang 928 na bilang sa mga Colonel at Heneral sa buong bansa na nagsumite ng kanilang pagbibitiw.
Ayon sa ahensya meron pa ring 25- high ranking officials ang hindi pa nagsusumite mula ng mag-apela si interior secretary Benhur Abalos sa mga matataas na opisyal ng pulisya.
Inaasahan naman na karamihan sa mga natitirang pagbibitiw ay magmumula sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Abalos na hahayaan nilang magretiro ng matiwasay ang mga matataas na opisyal na may kaugnayan sa ilegal na droga kung hindi sapat ang ebidensya laban sa kanila para makagawa ng kaso.
Dagdag pa niya, kung papayagang magretiro ng matiwasay ang mga matataas na opisyal ng pulisya kahit na natuklasan ang kanilang kaugnayan sa iligal na droga, ito umano ay senyales na nabigo ang gobyerno na magsagawa ng magandang imbestigasyon.
Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon hanggang sa mapatunayan ang mga police officers na sangkot sa droga at pangungurakot.