-- Advertisements --
Inilikas ng World Health Organization (WHO) ang nasa 97 na mga may sakit at sugatan na pasyente mula sa Gaza para ipagamot sa United Arab Emirates.
Ayon sa WHO na simula pa lamang ito sa mga susunod na mga araw ay may ilang pasyente sila dadalhin muli sa UAE.
Sa kanilang pagtaya ay nasa mahigit 1,000 ng mga pasyente mula sa Gaza ang nangangailan ng agarang gamutan.
Magugunitang maraming mga pagamutan sa Gaza ang nasira dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel.
Una ng nanawagan ang United Nations sa Israel na tigilan na ang pag-atake sa Gaza dahil sa lumalalang kalagayan ng mga residente doon.