-- Advertisements --

Sugatan ang 97 katao dahil sa pagka-diskarel ng sinakyan nilang train sa Egypt.

Naganap ang insidente sa Qalioubia province kung saan agad namang dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nasa 200 katao ang sugatan ng magsalpukan ang dalawang train sa Tahta.