-- Advertisements --

Umaabot sa 17 panibagong kaso ng mga overseas Filipino ang nahawa sa COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umakyat na ngayon sa 9,777 ang kabuuang kaso ng mga Filipinos sa ibang bansa ang kinapitan ng deadly virus.

Gayunman sa ngayon nasa 3,276, ang ginagamot bunsod ng virus.

Sa mga nakarekober naman sa 5,790 ang bilang at umabot na 708 ang death toll.

Pero wala namang naiulat na panibagong namatay na kababayan sa nakalipas na tatlong araw.

Samantala, pinakamarami naman sa mga Pinoy na sumasailalim pa sa gamutan ay umaabot na sa 2,311 mula sa bahagi ng Middle East at Africa.

DFA overseas