Tinatayang nasa 5,000 mga public school teachers at non-teaching staff personnel ang nabigyan ng libreng taunang medical and physical examinations ng pamahalaang lokal ng Taguig na nagsimula nuong July 1 hanggang July 31,2024.
Ayon sa Taguig LGU layon nito na ma promote ang preventive healthcare at agad matukoy ang anumang mga sakit.
Bagamat hindi mandatory ang annual physical exam, pinili ng pamahalaang lokal ng Taguig na ialok ito sa mga teaching at non-teaching staff.
Nais kasi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na matiyak na malusog ang mga guro, at paraan din ito na ipakita ng alkalde ang commitment siguraduhin ang kalusugan ng mga nasa education sector.
Kabilang sa mga inalok na annual physical examination ay ang mga sumusunod:
– Physical examination
– Vital signs monitoring
– Chest X-ray
– Complete blood count (CBC)
– Dental assessment
– Visual acuity check
– Clinical breast exam
– Pap smear
– All necessary diagnostic tests for early detection and treatment of any illnesses
Ang lungsod ng Taguig ang isa sa mga LGUs sa buong bansa na nagbibigay ng libreng physical examination.
Sinabi ni Mayor Cayetano na ang pagtiyak na malusog ang mga guro ay mahalaga dahil sa kanila nakasalay ang kinabukasan ng komunidad.
“Ensuring the health and well-being of our educators is vital to the future of our community. By providing free annual physical examinations, we are investing in the heart of our education system – our teachers and staff. This initiative not only promotes preventive healthcare but also demonstrates our unwavering commitment to supporting those who shape the minds of our youth,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.
Ibinahagi ni Junior High School teacher Romel Sua mula Taguig Integrated School ang kahalagahan ng nasabing examinasyon sa kanilang kalusugan at kapakanan.
“Malaking tulong po itong APE sa aming mga educators to check our health and to make sure that we are always physically fit this coming school year. Thank you so much kay Mayor Lani Cayetano at sa pamahalaang lungsod ng Taguig sa opportunity na ibingay ninyo sa aming mga guro na magkaroon ng libreng annual physical exam,” pahayag ni Sua
Pinasalamatan naman ni Lyka Mae Cruz, isang school nurse mula General Ricardo G. Papa Sr. Memorial High School, ang pamahalaang lokal ng Taguig sa kanilang hakbang na tiyakin ang kalusugan ng mga educators.
”Napakahalaga po nito lalo na po for preventing the transmission of communicable diseases sa mga bata, if there is such case. Nagkakaroon po ng maayos na assessment for teaching and non-teaching staff ng schools if they are physically fit, at ma-address po if there is any finding bago po magpasukan. Gusto ko pong magpasalamat kay Mayor Lani Cayetano sa napakagandang programang pangkalusugan para sa ating mga guro,” pahayag ni Cruz.