Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na nito gagamitin sa 2025 elections ang 98,000 vote counting machines (VCMs) na naka-deploy noong nakaraang mga botohan.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia na maaaring hindi na maging epektibo ang mga VCM, lalo na’t ang komisyon ay tumitingin ng full automation at bagong teknolohiya para sa susunod na pambansang halalan.
Nagpasya ang Commission on Elections na isantabi ang 98,000 vote counting machines dahil tatlong beses na itong ginamit.
Idinagdag din ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na ang poll body ay naglalayong magkaroon ng mga electronic na larawan ng mga balota na ipinapakita sa mga VCM, na makatutulong upang maiwasan ang pandaraya.
Aniya, ang machine ay magse-save din ng isang imahe ng balota, at magkakaroon ito ng kakayahan na suriin ang balota sa site.
Sa kasalukuyan, ang mga aktuwal na balota ay tinatakan pagkatapos na dumaan sa mga makina ng pagbibilang, na pumipigil sa mga opisyal ng halalan na suriin ito pagkatapos.
Una na rito, gumagawa na ng terms of reference para sa nasabing plano ang Commission on Elections ngunit ang Kongreso at Executive Branch pa rin daw ang may kakayahang magdesisyon.