Patuloy ang paglakas ng bagyong “Leon” habang nasa karagatan ng bansa.
Ayon sa PAGASA, na ang sentro ng bagyo ay nasa 450 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan.
May taglay itong lakas ng hangin ng hanggang 155 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 190 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa mga lugar ng : Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel sa Isabela , Apayao, Kalinga, (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman sa Abra, Paracelis sa Mountain Province at Ilocos Norte.
Habang nasa signal number 1 naman ang mga lugar ng: natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the rest of Abra, Ilocos Sur, La Union,General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal sa Nueva Ecija , Aurora, Infanta, General Nakar sa Quezon kabilang ang natitirang bahagi ng Polillo Islands, Camarines Norte, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan sa Camarines Sur, Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran sa Catanduanes.
Nagpapatuloy ang paggalaw ng bagyong Leon sa karagatang bahagi ng bansa bago ito maglaland-fall sa Taiwan sa araw ng Huwebes.
Ibinabala pa rin ng PAGASA na mapanganib ang paglalakbay sa mga karagatan lalo na sa mga maliliit na bangka.