-- Advertisements --

Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) Legal Network for Truthful Elections (LENTE), Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Philippine Association of Certified Public Accountant ang Random Manual Audit ng nakalipas na halalan.

Ayon kay Florante Varona ng PSA, umabot sa 99.9953 ang overal accuracy rate ng nakalipas na halalan.

Ito raw ang pinakamataas na accuracy rate sa kasaysayan ng automated elections.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Luie Tito Guia na nanguna sa Random Manual Audit Committee na sa 715 clustered precincts na isinailalim sa manual audit, nasa apat na polling precincts ang hindi nakasama sa audit dahil sa ilang mga aberya sa mga balota.

Sinumulan ang manual audit noong Mayo 15 at natapos kahapon.