Pinahanga ng 99-anyos na British war veteran na si Tom Moore ang karamihan matapos na makalikom ng $2,514,300 na ibibigay bilang donasyon sa National Health Service (NHS) na tumutulong sa paglaban sa coronavirus.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-ikot ng 100 beses sa kaniyang bakuran.
Sa tulong ng kaniyang walking frame ay nagawa nito ang pag-ikot ng 100 laps sa kaniyang garden sa Yorkshire, north England.
Sa orihinal na target nito ay makalikom ng 1,000 euros sa kaniyang ika-100 birthday sa Abril 30, sa pamamagitan ng paglakad ng 10 laps sa kada araw subalit matapos ang 24 na oras ay nahigitan nito ang kaniyang target kung saan bumuhos ang donasyon.
Naging civil engineer ito bago pumasok sa British Army noong World War II bago naging managing director ng isang concrete manufacturer.
Nagpasimuno ng fund raising ang 16-anyos na apo nito na si Benji na gumawa ng Twitter account para sa kaniyang lolo kung saan mayroon na agad itong 20,000 follower.
Ayon sa kaniyang anak na babae na si Hannah Ingram-Moore na laging nag-eehersisyo ang ama mula ng sumailalim sa partial hip replacement.
Naninirahan na ito ngayon sa kaniyang anak na babae na pamilyado na may dalawa ring anak mula ng pumanaw ang asawa noong 2006.