Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na 99 percent o nasa P2.69 billion sa P2.7 billion na pondo para sa cash assistance na ipinamahagi ng gobyerno sa mga low-income beneficiaries ang naipamahagi na ng local government units sa probinsiya ng Laguna.
Sinabi ni Ano, sa ngayon nasa tatlong LGUs na lanag ang hindi pa nakakatapos at sa sinisiguro ng kalihim na matatapos na ito ngayong linggo.
Ayon kay Año, sa probinsiya ng Bataan, nasa 80.33 percent na ang naipamahagi sa P700 million ayuda ang ipinamahagi sa 560,901,000 beneficiaries.
Ang bayan ng Samal at Abucay ang nagpapatuloy pa sa kanilang payout.
Ang Metro MAnila LGUs naman ay nakumpleto na ang kanilang pamamahagi ng financial aid.
Samantala, muling binigyang diin ni Año na ang mga indibidwal na tumanggi magpasuri sa coronavirus ay maaring makulong at sampahan ng kaukulang reklamo.
Sinabi ng kalihim ang RT-PCR testing ay mananatiling gold standard sa pagkumpirma sa presensiya ng Covid-19 virus.
Sa ipinatupad kasi na granular lockdown, nabatid na may mga indibwal ang ayaw sumailalim sa RT-PCR test lalo na duon sa mga may closed contact at na exposed sa positive patients.
Binigyang-diin ng kalihim, mananagot sa batas ang mga tumatanggi na sumailalim sa RT-PCR test ito ay ang Republic Act 11332 or “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.
Aniya, may penalty na PHP20,000 hanggang PHP50,000 o pagkakakulong na anim na buwan ang sinumang lalabag dito.
“Pinapakiusapan natin ang ating mga kababayan, kung kayo po ay close contact or exposed, kailangan po tayong magpa-test. Otherwise po, mag-self quarantine tayo ng 14 days at huwag natin itong lalabagin. Ito po ang paraan para matigil natin ang transmission at talagang tuluyang magapi natin ang pandemic,” pahayag ni Se. Año.