-- Advertisements --

Aabot sa 99 repatriated Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait at Lebanon ang matagumpay na nakabalik ng bansa .

Ito ang kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration ngayong araw .

Lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Binubuo ito ng 20 OFW mula sa Lebanon at 79 OFW kabilang na ang kanilang limang dependents sa Kuwait.

Personal namang silang sinalubong ng mga kawani ng OWWA sa naturang paliparan.

Kaugnay nito ay siniguro ng OWWA na magpapatuloy ang kanilang repatriation efforts upang makabalik na sa bansa ang mga distressed OFWs doon.