-- Advertisements --
Nakapagtala ng kabuuang 99 volcanic earthquakes sa Taal volcano ang Phivolcs sa nakalipas na 24 na oras.
Kabilang dito ang 90 volcanic tremor events na tumagal ng hanggang 11 minuto at siyam na low frequency volcanic earthquakes.
Patuloy pa rin ang pagbuga ng Taal ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide na nasa average na 6,574 tonelada.
Tumaas naman ng 1,200 meters ang pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan.
Nananatiling epektibo pa rin ang Alert Level 3 dahil sa ipinapakitang magmatic unrest ng Taal volcano.
Paalala pa rin ng Phivolcs na huwag pumunta malapit sa Taal volcano island dahil ito ay nasa permanent danger zone.