Natanggap na ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 1,040 rocket motors at nasa 992 rockets na idiniliver ng United States kamakailan.
Ang nasabing U.S. transfers of weapons, munitions sa AFP ay sa pamamagitan ng Mutual Logistics Support Agreement (MSA).
Ito ay bilang suporta sa counter terrorism operations ng militar lalo na sa nagpapatuloy na operasyon sa Marawi City.
May nakatakda pang weapon deliveries ang United States kabilang dito ang ang 250 rocket-propelled grenade launchers at 1,000 M203 grenade launchers na kanilang ibibigay sa Philippine Army.
Tiniyak naman ng US na magpapatuloy ang kanilang tulong sa Pilipinas lalo na sa kampanya nito sa terorismo.
“The United States is a proud and steadfast ally of the Philippines and will continue to provide support to the AFP’s long-term modernization goals and counter terrorism needs,” ang opisyal na pahayag ng US embassy.