-- Advertisements --

Nangako si Senador Sherwin Gatchalian na babantayan nito ang kaso ng pinaslang na negosyante at kasama nitong driver sa Rodriguez, Rizal noong Abril 9. 

Ayon kay Gatchalian, hangga’t hindi nakakamit ang hustisya sa ginawang pag-kidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa driver nito ay susubaybayan ng senador ang kaso nito. 

“I strongly condemn the recent heinous kidnapping and brutal killing of Anson Que, a businessman from Valenzuela, and his driver, saad ni Gatchalian. 

“Buong puso akong nakikiramay sa pamilya at kaibigan ng mga naulila. Makakaasa kayo na susubaybayan ko ang kaso na ito hanggang hindi natin nakakamit ang hustiya, dagdag ng senador. 

Giit nito, ang ganitong krimen ay isang lantad at at pag-atake sa ating rule of law at pag-atake sa mismong pundasyon ng isang peace-loving at sibilisadong lipunan. 

Gayunpaman, kinalampag ng senador ang mga otoridad upang mabigyan ng hustisya ang pamilya at maparasuhan ang salarin. 

“I call on the authorities to ensure that the perpetrators are swiftly brought to justice and that the full weight of the law is applied resolutely and without compromise. This horrific incident must serve as an urgent and undeniable call for decisive and exhaustive measures to address crimes that disrupt peace and order in our communities, ani Gatchalian. 

Nitong Abril 9 nakita ang bangkay ng dalawang biktima na itinapon sa Rodriguez, Rizal. 

Tukoy naman na umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek at sinabihan na rin umano ang Bureau of Immigration (BI) tungkol sa mga suspek upang hindi ito makalabas ng Pilipinas.