-- Advertisements --

Matagumpay na sinimulan ni Alex Eala ang kampanya niya sa Madrid Open matapos talunin ang Bulgarian na si Viktoriya Tomova sa Round of 128 na ginanap sa Spain.

Sa iskor na 6-3, 6-2, pinatunayan ng 19-anyos na si Eala—kasalukuyang world no. 72—na handa siyang makipagsabayan sa mas matataas ang ranggo, tulad ni Tomova na mas mataas ng walong puwesto sa kanya sa world rankings.

Dahil sa panalong ito, uusad si Eala sa Round of 64 kung saan muling magtatapat sila ng world no. 2 na si Iga Swiatek.

Nagkaharap na ang dalawa sa Miami Open noong Marso kung saan nagulat ang tennis world matapos makapagtala si Eala ng upset laban sa Polish star sa quarterfinals—isang tagumpay na nagbukas ng mas malawak na atensyon sa kanyang karera. (report by Bombo Jai)