Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos sa libing ni Pope Francis sa darating na Sabado sa Vatican.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro.
Ayon kay Castro nagpahayag ang Pangulo na siya ay dumalo kasama ang kaniyang kabiyak.
Hindi naman sinabi ni Castro kung kailan aalis ang Pangulo patungong Vatican.
Una ng inihayag ni Pangulong Marcos na the best pope in his time si Pope Francis.
Aniya kaisa ang Pilipinas sa pagdadalamhati sa buong Roman Catholic Community sa mundo sa pagpanaw ng Santo Papa.
Ayon sa Punong Ehekutibo si Pope Francis ay isang taong may malalim na pananampalataya at kababaang-loob, may puso din ito na bukas sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.
Sinabi ng Pangulo itinuro sa atin ni Pope Francis na ang pagiging isang mabuting Kristiyano ay ang pagpapaabot ng kabaitan at pagmamalasakit sa isa’t isa.
Ang kanyang pagpapakumbaba ay nagbalik sa marami sa Simbahan.
Ayon sa Pangulo Habang nagdadalamhati tayo sa kanyang pagpanaw, pinararangalan natin ang isang buhay na nagdulot ng pag-asa at habag sa napakaraming tao, at nagbigay-inspirasyon sa atin na magmahalan gaya ng pagmamahal sa atin ni Kristo.