Inihayag ni House Quad Comm leader at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na wala silang ideya kung nakalabas na ng bansa si dating PCSO General Manager Royina Garma.
Batay sa ulat nakalabas ng bansa si Garma kasama ang anak nito nuong November 7,2024 patungong Amerika.
Kinumpirma naman ni Barbers na nakalabas na sa detention facility ng House of Representatives si Garma at si dating Napolcom chief Edilberto Leonardo, noong Oct. 31, 2024.
Maalala na nadetine si Garma sa Kamara matapos na patawan ng contempt dahil daw sa pagsisinungaling.
Pero ayon kay Barbers na pinayuhan nila ang mga resource person, gaya ni Garma, na kapag kailangan sila ng Quad Comm ay muli silang pahaharapin.
Matatandaan na si Garma ang nagsiwalat ng umano’y reward system sa giyera kontra droga ng nakalipas na Duterte administration.