-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang pag-rebisa ng economic growth at fiscal targets ng bansa.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nais lamang nila ibagay ito sa mga domestics at global developments.

Kanilang maiging pag-aaralan ito lalo na at mayroong posibleng epekto ang muling pagkakahalal ni US President Donald Trump na may posibilidad na paghina ng peso kontra dolyar.

Ngayon taon ay mayroong target ang gobyerno ng 6 hanggang 7 percent na Gross Domestic Products.

Kahit na bumilis ang GDP sa 2nd quarter ng taon ay humina naman ito sa ikatlong quarter dahil sa mga pananalasa ng mga bagyo.