-- Advertisements --

Naglabas ng desisyon ang NAPOLCOM en banc nitong Disyembre hinggil sa 99 summary dismissal cases na kinasasangkutan ng 56 respondents kaugnay pa rin sa maanomalyang 990kg drug haul noong October 2022.

Iniulat ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Ricardo Bernabe na batay sa desisyon ng Napolcom En Banc, 21 respondent ang tinanggal sa serbisyo, 16 ang na-demote ang ranggo, 4 na respondent ang sinuspinde ng anim na buwan, at 12 na kaso ng mga respondent ang ibinasura.

Ayon kay Bernabe, hinihintay pa nila ang kumpirmasyon ng Office of the President kaugnay sa kanilang rekomendasyon na tanggalin sa serbisyo ang tatlong opisyal ng PNP na presidential appointees.

Kabilang sa mga opisyal na ito sina PBGen Narciso Domingo, PCol. Rolando Portera, at PCol. Julian Olonan, na pawang sangkot sa kontrobersyal na drug haul.