Muling nahaharap sa banta ng pag-ulan at malawakang pagbaha ang apat na rehiyon sa bansa, kasabay ng patuloy na pag-iral ng Shear Line at Northeast Moonsoon.
Ang mga ito ay ang Region 4A (CALABARZON), Region 4B (MIMAROPA), Region 5 (Bicol Region), at Region 8 (Eastern Visayas).
Region 4A (CALABARZON) – Quezon, Rizal
Region 4B (MIMAROPA) – Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro
Region 5 (Bicol Region) – Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte
Region 8 (Eastern Visayas) – Samar, Southern Leyte, Leyte, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran
Muling ipinaalala ng state weather bureau sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang sitwasyon sa mga kailugan at mga komunidad malapit sa mga ito dahil sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha.
Pinapayuhan din ang publiko na bantayan ang abiso ng kani-kanilang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobiyerno upang agad maka-tugon sa mga inilalabas na kautusan.