-- Advertisements --

Nakalatag ang plano ng Department of Transportation (DOTr) ng privatization sa ilang mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, na dahil sa tagumpay ng paghawak ng private company sa Ninoy Aquino International Airport ay maaring isunod ang ilang paliparan na hawakan ng private company.

Ilan sa mga dito ay ang Sangley Airport, Clark Airport at mga paliparan sa Puerto Princesa at Iloilo.

May ilang mga kumpanya na rin ang nagsumite ng mga proposals para hawakan nila ang privatization ng paliparan.

Inaasahan na sa mga susunod na linggo ay makukumpleto na ang mga dokumentong isusumite ng mga private companies sa paghawak na ng paliparan.