-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa P25 bilyon na pondo para sa Boracay Medium-Term Action Plan na kakailanganin sa full rehabilitation ng pamosong isla, matapos ang anim na buwang pagpasara noong Abril 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na inanunsyo ito ng Pangulo sa 39th Cabinet Meeting sa Malacañang noong Lunes.

Dagdag pa nito, sina National Economic and Development Authority (NEDA) Director General and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia and Usec. Adoracion Navarro ang mangunguna sa action plan na may apat na tema.

Kinabibilangan ito ng enforcement of laws kung saan mayroong intervention sa pag-regulate ng mga bisita at hotel accommodations; prevention na nakapaloob ang intervention para sa sewerage infrastructure, solid and liquid waste management; rehabilitation and recovery of ecosystems; at sustainability ng mga activities sa isla gaya ng improvement ng mga kalsada at public health infrastructure, construction ng permanent housing program para sa mga indigenous people at education facilities.

Una nang binansagan ng Pangulo na “cesspool” ang naturang isla dahil sa natuklasang naglalakihang mga tubo na nagpapalabas ng dumi na direkta patungo sa dagat.