Dead on the spot ang walong katao habang sugatan ang walong iba pa matapos bumaliktad ang sinasakyang elf truck na may kargang mga troso sa Purok 1, Barangay Liguac, Pitogo, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang mga namatay na sina Rey Alfornon, 24-anyos, Orlando Sabejon, 44, Noel Cabellon, 19, Berlindo Labador, 34, Edwin Delos Santos, Marvin Hemang, 30, Loui Jay Omandam, 34 at isang 15 anyos na lalaki.
Base sa report ng Police Regional Office 9, nawalan umano ng kontrol ang drayber matapos magkaroon ng mechanical brake failure ang sasakyan dahilan upang ito ay bumaliktad.
Kasalukyan namang nilalapatan ng lunas ang walong iba pa na nagtamo ng malubhang sugat sa isang pagamutan sa Margosatubig, Zamboanga del Sur.
Samantala, boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang drayber na kinilalang si Leolito Tam na nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence resulting to Multiple Homicide at Multiple Physical Injuries.