Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na ang sektor ng agrikultura sa bansa ay makakapag-produce pa rin ng 20 milyong metriko tonelada (MT) ng palay ngayong taon.
Ito ay sa tulolng ng pagbabangko at paghahanda sa mga hakbang ng gobyerno para mabawasan ang epekto ng El Niño.
Ayon kay AAgriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang departamento ay may sariling grupo na humahawak sa mga intervention sa pamamahala ng tubig ng upang mabawasan ang mga epekto ng El Niño phenomenon.
Kabilang sa mga pangunahing interbensyon sa pamamahala ng tubig ng ahensya ang pamamahagi ng mga maliliit na proyekto sa patubig at solar irrigation system sa mga lugar sa dulong dulo ng mga sistema ng irigasyon.
Gayundin ang iba pang mga lugar na nahihirapan sa pag-access ng tubig;
Sinabi ng agriculture department na nagsasagawa rin sila ng information dissemination sa mga apektadong lugar ng El Niño.
Ayon sa DA, ang Zamboanga Peninsula ang unang nag-ulat ng epekto ng El Niño kung saan mahigit 20 ektarya na ng lupain nito ang apektado na.
Binanggit ni De Mesa na ang departamento ay kasalukuyang nasa proseso ng pagsasama-sama ng mga ulat mula sa iba pang mga lugar na nakaranas na ng epekto ng El Niño.
Kaugnay nito, matatandaang ang Pilipinas ay nag-angkat ng 3.5 milyong MT ng bigas noong nakaraang taon na mas mababa sa 3.8 milyong MT na inangkat noong 2022.