-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa kapiyestahan ng Divine Mercy sa El Salvador City, Misamis Oriental sa darating na Linggo.

Sinabi ni CDRRMC head Teddy Bombeo na noong nakaraang taon ay mayroong 620,000 mga deboto ang bumisita sa taunang piyesta at inaasahan nilang dadami pa ito ngayong taon.

Ayon kay Bombeo nakipag-koordinate na sila sa lahat ng government agencies at mga civil society groups na makakatulong sa kanila sa naturang aktibidad.

Nakasanayan na rin ng mga deboto na makita na sumasayaw ang araw o dancing sun sa araw ng piyesta at ang milagrosong tubig na pinaniniwalaang nakapagpapagaling sa kahit anong uri ng sakit.