-- Advertisements --
image 63

Papatawan ng parusang kamatayan ang isang Iranian na pumatay ng 7 katao sa gitna ng protesta.

Si Abbas Kurkuri inakusahan dahil sa pag gamit ng military weapon sa pamamaril sa 7 na katao sa Izeh, Khuzestan province.

Siya ay haharap sa kasong “moharebeh” o “war against God at corruption on earth”.

Marami ang namatay sa nasabing nangyaring riot kabilang na ang ilang security personnel.

Sa kabila nito, ang kaso ni Kurkuri ay maaari pang maapela sa Korte Suprema.

Ngunit ang mga paratang ay tinanggap ni Kurkuri at inaming siya umano ay “under the influence of social media”.

Matatandaan na nasa apat katao na ang pinatawan ng parusang kamatayan sa Iran.