Naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang Amerikano na matagal ng pinaghahanap sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot umano nito sa kasong may kaugnayan sa sex crimes .
Sa isang pahayag,kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naturang pugante na si Eduardo Rojas Minas, 60, na kung saan naaresto sa Sta. Cruz, Zambales ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit.
Ayon kay Tansingco, si Minas ay kabilang sa listahan ng mga pinaghahanap na pugante ng Federal Bureau of Investigation simula pa noong November ,2006 matapos ilabas ng korte sa Las Vegas township,Clark County Nevada ang arrest warrant laban sa kanya.
Nakatakas si Minas bago pa man ito maaresto at lumipad patungo sa Pilipinas at hindi na ito umalis pa ng bansa mula noon.
Ibinunyag pa ni Tansingco na wala na umanong hawak na valid passport si Minas matapos itong mapaso noong Enero 2013 at hindi na ito na renew.
Si Minas ay mayroong kinakaharap na kasong 2 counts of sexual assault at 2 counts of statutory sexual seduction.
Kasalukuyang naka de tine si Minas sa Bureau of Immigration holding facility sa Camp bagong Diwa , Taguig City at nakatakda itong ideport pabalik ng kanyang bansa sa lalong madaling panahon.