-- Advertisements --
Sugatan ang anim na katao matapos ang pagbagsak ng bahagi ng Santa Maria – Cabagan Bridge na matatagpuan sa Barangay Casibang Norte, Cabagan, Isabela.
Ayon sa kapulisan sa lugar, nangyari ang insidente nitong alas-8 ng gabi ng Huwebes kung saan pagdaan ng truck na may kargang mga bato ay doon na bumagsak ang bahagi ng tulay.
Nahulog naman ang apat na sasakyan sa ilog na kinabibilangan ng isang truck, dalawang Sports Utility Vehicles at isang motorsiklo.
Patuloy naman na hinahanap ng mga kapulisan ang driver at pahenante ng truck na tumakas matapos ang insidente.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.
Ang nasabing tulay ay itinayo noong 2017 at ito ay nagkakahalaga ng P639 milyon.