-- Advertisements --
image 2

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police ang 15 persons of interest na natukoy ng pulisya kaugnay sa pagkamatay ng estudyanteng si John Matthew Salilig.

Ito ay matapos na mahukay ang bangkay ng biktim sa Imus, Cavite kung saan nakitaan ito ng mga senyales ng hazing.

Ayon sa acting chief of police ng Biñan Police Station na si PLTCOL. Virgilio Jopia, sa ngayon ay naisalalim na sa autopsy examination ang katawan ng biktima at kasalukuyan na lamang aniya nilang hinihintay ang official report ng resulta nito.

Aniya, maliban sa naging statement ng mga witness sa naturang kaso ay nakitaan din ng maraming pasa ang mga binti ng biktima.

Bukod dito ay iniulat din Jopia na nakausap na nila ang ilang miyembro ng Tau Gamma Phi kung saan nakuha nila ang ilang detalye hinggil sa nangyaring initiation at batay aniya rito ay nagkaroon na ng senyales ng paghihirap ang Salilig habang nagaganap ang initiation dahil sumuka na ito ng dugo.

Habang pabalik na sa Maynila mula sa Biñan si Salilig nang ito ay tuluyan nang bawian ng buhay.

Batay sa inisyal na assessment ng pulisya, lumalabas na dahil sa takot kaya inilibing ng mga salarin ang bangkay nito sa halip na dahil ito sa pagamutan.

Sa ngayon ay nananatiling nasa kustodiya naman ng pulisya ang pito sa mga kasama ng biktima habang sumasailim sa imbestigasyon.